Halo Halong Pinoy

Tuesday, April 15, 2008

TAWAG NG UWAK SA AKING ULIRAT

cenxia na kayo! 3am ngayun medyo magulo ang utak, medyo nakainom(lasing,bangenge,lakas amats) para makalimot. well, kung may magsasabi na di solution ang alak sa problema ko well wala namang ibang solution eh, maliban n lng kung mamahalin din ako ng babaing mahal ko. diba! Rok On!

kaya eto ang ang alay ko sa inyo, isang tula na gawa ng isang kaibigan:

TAWAG NG UWAK SA AKING ULIRAT
by Khailen

Minsan nakita kong sarili ko
Na naglalakad sa ilalim ng
Liwanag ng buwan.
Pagewang-gewang, pasuray-suray
Halos walang maaninagan.
Naisip ko bigla, bakit ako nandito?
At saan ako patungo?
Pinilit kong balikan ang nakaraan,
Mga ilang oras lang naman.
Nakaupo ako sa paikot na mesa,
at kaharap ang iba pang mga nilalang.
Sa pagitan naming nakahimlay,
Dalawang espirito ng kasawian.
Para makalimot? Hindi!
para maging manhid sa loob ng ilang oras.
Lumamig ang hangin,
bigla na lang natapos na.
Pinilit kong maglakad,
Kahit mga hakbang ko’y unti-unti
Ng bumibigat.
Biglang may tinig na tila
Pantawag uwak. Sabay bawi ng
Aking ulirat.
Natapos ng panaginip, balik sa
Tunay na buhay. Sa pagkakataong to
Alam ko na kung saan ako tutungo.
Kung sana nga lang kasabay ng pagising ko,
Tinangay na rin ng dalawang espirito
Ang dahilan ng aking pighati…

No comments:

Popular Posts