Halo Halong Pinoy

Tuesday, April 15, 2008

Ang Friendster! Bow!

sa bawat galaw ng mga daliri, sa bawat pindot

at sa isang panig ng mundo ay may magbigay pahintulot

na mamasdan ang isang pahina na may munting larawan

kalakip ay pagpapakilala na tila isang talaan

isang nilalang na naman ang matatala

sa listahan ng mga bagong kakilala

hindi man harapang magkita

kapalaran na ang nagdikta

sa harap ng kompyuter

at sa daigdig na kung tawagin ay cyber

ako'y nag-aabang, naghahanap hanggang magkahang-over

ng bagong kakilala na ma-ininvite sa aking friendster

mga dating kakilala'y mahahanap, makakamusta

magpapalitan ng mga mensahe at testimonya

kaytagal man noong huli tayong nagkita

sa tulong ng mga hi-tek na pahina hindi na muli mag-iisa

sa mabilis na pag-ikot ng mundo

ang friendster ay isang magandang intrumento

na mag-uugnay sa bawat nilalang

kaya ang aking mensahe sa lahat ng magbabasa

add nyo ako nait_4ever@yahoo.com

No comments:

Popular Posts