Halo Halong Pinoy

Tuesday, July 24, 2012

Eros Atalia's Quotes



Ligo na u, Lapit na me


Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.

----------

E, kung lahat kami, special... Sino pa ang hindi special? Kaya nga special , hindi pangkaraniwan. Kakaiba. Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special? Para maging special, dapat may egg, may dalawang scoop ng ice cream, may ube't leche plan.

----------

Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?

----------

Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?

----------

Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.

----------

Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.

----------

Hindi lahat ng tama, totoo

----------

Pukang ama talaga, sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa

----------

“Hindi naman porke’t may hiwa at dyoga ay okay na. Titigas na. Hindi naman DPWH ang kargada ko na “Basta may lubak, tambak. Basta may butas, pasak.

----------

Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?


It's not that complicated


Sabi ng isang pelikula (ayon kay Morpheus, sa Matrix), ang pagpili hindi laging nangangahulugan na may pagpipilian ka. O malaya ka. O ikaw ang nasa control. Depende kung sino ang gumagawa ng pagpipilian. Depende kung sino ang nagpapapili.

----------

Sa simpleng aritmetik: gusto is want, mahal is need. Maari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.

----------

Loving me is not enough. I need to love you back, but I can't do that

----------

Life is like a can of fruit cocktail. If you don’t like any of the fruit, at least you still have the syrup, Not good enough? Well the tin can is still recyclable.

----------

Matter occupies space. Now that you're leaving, may choice ako kung magiging vacuum ang iniwan nyo o maglalagay ako ng panibago... wat ya tink?...


----------

Minsan ang katangahan ay parang Sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo.Walang gamot.

----------

Maniwala kayo o hindi, mas natulungan ko ang sarili ko kesa sa inyo. Pina-realize nyo sa akin na ang nabubuhay sa kahapon ay nagpapaka-emo at ang nabubuhay para sa future ay nag-iilusyon.


----------

Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, ‘yun ang personal niyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya niyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpapatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba nag babae sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don’t think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, kani-kaniyang daigdig.

----------

Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya.

----------

siguro ganito talaga ang buhay. May mga taong dumarating at umaalis nang walang paalam. Hindi ko alam kung sa’n nanggaling at sa’n pupunta. Siguro, sa lansangan ng pag-ibig, sapat na yung minsan ay nakasabay o nakasalubong mo ang isang tao sa daan, pasalamat na lang at kahit minsan, nagtapat o nagpantay din ang inyong mga hakbang.

----------

Nabuo sa isip ko na hindi pala ako ganoon kaimportante sa kanya. Importante lang ako kapag may kailangan siya

----------

Kung pinilit ko syang mag-stay para maging masaya ako pero hindi naman sya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya sya na malaya sya at masaya ako na masaya sya.. teka uli.. ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na

No comments:

Popular Posts