Compilation of quotes from bob ong's books.
Quotes about life
Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras
Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan
Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalan kang mahalin dahil sa itsura mo.”
Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.
Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalan kang mahalin dahil sa itsura mo.”
Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan, isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.
“Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.”
“Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao.”
“Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”
“Mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo….”
“Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahil ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko.”
hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
No comments:
Post a Comment