Halo Halong Pinoy

Monday, July 11, 2011

ang pag-ibig parang.. part 2


ANG PAG-IBIG PARANG SUKLI ng pamasahe mo sa Jeep, kahit ipasa-pasa ka pa sa maraming tao. Mapupunta ka pa din sa tunay na nagmamay-ari sayo. 

ANG PAG-IBIG PARANG CELLPHONE na nahulog sa toilet makukuha mo lang pag meron kng lakas ng loob.

ANG PAG-IBIG PARANG ELECTROMAGNETIC INDUCTION lumayo ka man o lumapit, magkakaroon pa rin.pag wala kang ginawa, walang mangyayari. hindi puwedeng palayo lang, o palapit lang. kailangan papapalit palit. plus, mahirap siyang intindihin. 

ANG PAG-IBIG PARANG yumayakap sa cactus.. mas mahigpit mas masakit!

ANG PAG-IBIG PARANG computer virus: Sinisira lahat ng pinaghirapan mo.

ANG PAG-IBIG PARANG LRT. wag mong pagsiksikan ang sarili mo kung puno na. meron pa naman darating na iba.

ANG PAG-IBIG PARANG SUBJECT SA SCHOOL:

Math. Maraming problema.

Science. Maraming dapat patunayan.

PE. Minsan nakakapagod. Minsan boring. Minsan papawisan ka. Madalas, naglalaro ka lang talaga.

No comments:

Popular Posts