Halo Halong Pinoy

Thursday, September 16, 2010

Dear Mr. Bob Ong

Dear Mr. Bob Ong,



Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa
isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak
matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan
ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut
at sampaguita?





In lab na po ako. Ano po ang gagawin  ko? Is she the one?



Lubos na gumagalang,

-KIYO -







- ANG REPLY -



Dear KIYO,



Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school
kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon
ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na
ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong
nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao
at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba
pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?



Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa
naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na
basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo
sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang
pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga
regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na
lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong
panligaw:



1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking
box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng
magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa
gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito
ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask.
Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin
mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone.
Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.



Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang
binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag
tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good
for my heart.”



2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha
tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss
hanging out with you.”



3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo.
Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo,
sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”



4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.



5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice
cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na
kakatitig sa’yo.”



6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng
black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang
kulay ang buhay kung wala ka.”



7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.



8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”



9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”



10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng
laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung
meal na nagpapahappy sa’kin.”



11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin
mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"



12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang
box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin,
"ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na
tayo"



13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng
"salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang
isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."



14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at
huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun
sign na “don’t leave your valuables unattended”



Handang tumulong lagi,



-Bob Ong-

3 comments:

partz mai2 said...

Mr bob Ong..inlub po aku..peru ung babaeng mhal kuh napaka sungit..tuwing lumalapit akuh sa knya lgeh nya akung tinatarayn..hindi kuh ku alm ang gagawin kuh...peru sa 22o lng pu mas na chachallenge po kasi aku sa knya lalo na pag nag susungit sya kasi po pag tuwing ginawa nya un mas lalo nahuhlog puso kuh sa knya...anuh po ba gagawing kuh para ma huli ku kiliti nya???

REPLY ka poh ahh.

ureyes said...

nice!!

ureyes said...

to Mr. Partz mai2
nakakarelate ako sayo kasi yung taong gusto ko ay lagi ko din sinusungitan di ko sa kaniya kayang ipakita totoong feelings ko sa kaniya kya dinadaan ko sa pag susungit kasi ba nman lagi niya ako inaasar, sinasabihan niya ko na gusto niya rin ako pero hndi ako sa kaniya naniniwala kasi alam ko na gino goodtime niya lang ako....lahat dinadaan niya sa biro..pero ang totoo sa araw araw na pangungulit niya at pang aasar tuluyan na akong nahulog sa kaniya..

Popular Posts