Halo Halong Pinoy

Thursday, March 12, 2009

Mga kababayan ko


A poem by Joey De Leon dedicated for the master rapper Francis Magalona.

Mga kababayan ko
wala na ang kaibigan ko

wala na ang magulo
isang ama sa walo
magpahanggang sa dulo
ay ayaw magpatalo

at wala na ring pilyo
kahit kwarenta'y kwatro
mukha lang binatilyo

wala n ang isang henyo
wala na rin si gwapo
pwede mag-inglisero
pwede ring dilang kanto

wala na si idol
may buhok man o kalbo
dito tiyak ang sagot mo,
"wala yan sa lolo ko"

batanes hanggang jolo
maging sa buong mundo
'la na'ng nasyonalismo
ng tol at dabarkads ko

at nasubukan pagkamakabayan mo
nang bigyang pag-alala isang sabado
at sa paglipad ng mga puting lobo
mapa ng pilipinas binuo nito

ma kababayan ko,
nasa langit na ang kaibigan ko

~Joey De Leon

Rest in peace Master Rapper

2 comments:

enhenyero said...
This comment has been removed by the author.
enhenyero said...

Paalam kababayan FrancisM, thank you for the music. RIP

Popular Posts